Ni Bella Gamotea
Kasabay ng Araw ng Paggawa bukas, inaasahang muling magtataas ng presyo ng langis ang mga pangunahing kumpanya sa bansa.
Inaasahang tataas ng 90 sentimos hanggang P1 ang kada litro ng gasoline, at 70-80 sentimos naman ang diesel at kerosene.
Ang nakaambang dagdag-presyo ay bunsod ng pagtaas ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Sakaling ipatupad, ito ang ikaapat na linggong pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa simula nitong Abril.
Sa loob ng tatlong linggo, P2.45 na ang nadagdag sa presyo ng kerosene; P2.20 sa diesel; at P1.65 sa gasolina.