Ni  Joseph Jubelag

COTABATO CITY - Pinaniniwalaang nalansag na ng pamahalaan ang isang drug syndicate nang maaresto ang dalawang miyembro nito, matapos masamsaman ng P6.8 milyong halaga ng droga sa Cotabato City nitong Sabado.

Kinilala ni Senior Supt. Rolly Octavio, director ng Cotabato City police, ang mga suspek na sina Benjie Macmod, 20; at Tahir Kabalu, 30, kapwa taga-Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Inaresto ang dalawa sa buy-bust operations ng Philippine Drug Enforcement Agency, malapit sa plaza ng lungsod.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Sa nasabing operasyon, nasamsam kina Macmod at Kabalu ang isang kilo ng umano’y shabu, na nagkakahalaga ng P6.8 milyon; isang granada at isang motorsiklo.

Nanggagaling umano ang droga sa Maguindanao at ginagamit lamang nila ang lungsod bilang transshipment point.