Ni Nitz Miralles
VIROLOGIST ang role ni LJ Reyes sa The Cure bilang si Katrina na nagtatrabaho sa Clinical Research Associate, classmate ni Gregory (Tom Rodriguez) at lihim na umiibig sa binata. Brokenhearted nga lang si Katrina dahil si Charity (Jennylyn Mercado) ang pinakasalan ni Gregory.
First time gumanap na doctor ni LJ, kaya masyadong challenging sa kanya ang role at ayaw niyang magkamali para walang negative feedback ang viewers. Lalo na at tumatalakay ang epidemic drama sa monkey virus disease o MVD.
Nag-Google kami to check kung may MVD virus ba. Ang nahanap namin ay green monkey disease at Monkey B virus. Kung ito ang naging basehan ng writers sa MVD ngThe Cure, malalaman ‘pag pinanood ang serye na magsisimula ang airing ngayong gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa direksiyon ni Mark Reyes.
Kasamang ipinakilala sa presscon si Tasha, ang gorilla na may malaking kinalaman sa istorya ng epidemic drama. Dalawang tao ang nag-a-alternate sa karakter ng gorilla, pero machine ang nagpapagalaw ng ulo at mga kamay.