Ni NORA CALDERON

MALAPIT sa totoong buhay ni Julie Anne San Jose ang role niya at kuwento ng My Guitar Princess ng GMA-7. Huling napanood si Julie Anne sa Pinulot Ka Lang Sa Lupa kasama si LJ Reyes.

Julie Anne copy

Sa bago niyang morning musical romantic-comedy series, gaganap si Julie Ann bilang si Celina, talented young woman na mahilig kumanta at tumugtog ng gitara. Pero kulang siya sa tiwala sa sarili.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“Nagpapasalamat po ako sa GMA sa pagbibigay nila sa akin ng project na ito,” sabi ni Julie Anne. “Nang magsimula na kaming mag-taping, naka-relate na ako sa role ko. Tungkol po ito sa family at iyong pag-follow mo sa iyong dreams. Very light po ang story namin at tiyak na magugustuhan ng mga manonood, lalo na ang mga mahihilig sa music dahil every week may ipi-feature kaming song.

“Mother ko po rito si Ms. Sheryl Cruz as Adele, na mahal na mahal ko, tulad sa real life, mahal na mahal ko ang mother ko. Masaya ako dahil once ko nang nakatrabaho si Ms. Sheryl, sa Buena Familia, pero kontrabida po siya roon, pero dito mas madalas kaming magkaeksena at marami siyang naituturo sa akin.”

This time, dalawa ang leading men ni Julie Anne, sina Gil Cuerva as Elton, isang balikbayan singer na kilala bilang Prince Charming of Pop, si Kiko Estrada naman ay si Justin, good friend ni Celine na hindi niya alam ay secretly in love sa kanya. Kasama rin si Marika Sasaki, best friend ni Celina, daddy niya si Kier Legaspi, Maey Bautista as her yaya, si Frank Garcia as dad ni Gil, Lui Manansala, sa direksyon ni Nick Olanka, dating Kapamilya at ito ang first project niya sa GMA 7.

Biniro tuloy si Julie Anne noong presscon kung hindi ba nagseselos ang boyfriend niyang si Benjamin Alves dahil dalawa ang leading men niya sa serye.

“Hindi po, hindi siya nagseselos, in fact he’s very happy for me and very supportive siya. May bago rin po siyang show at dalawa rin ang katambal niya. Nagti-taping na siya ng Karibal Ko Ang Aking Ina with Sunshine Cruz and Bea Binene.”

Ang My Guitar Princess ay mapapanood simula sa May 7, 11:30 AM bago ang Eat Bulaga