Ni REGGEE BONOAN

PELIKULANG pang-bagets ang Mother’s Day offering ng Viva Films, ang Squad Goals na binubuo ng FBOIS na sina Vitto Marquez, Andrew Muhlach, Jack Reid, Dan Huschka, at Julian Trono.

Squad Goals copy

Ang tatlo sa kanila ay dati nang kilala dahil may mga kaanak na sikat na artista, tulad ni Vitto na anak nina Joey Marquez at Alma Moreno at kapatid ni Wynwyn Marquez. Kapatid naman nina Aga at Arlene Muhlach si Andrew, samantalang si Jack Reid ay kapatid ni James Reid kaya bukod tanging si Dan lang ang hindi pa kilala dahil si Julian ay sikat na.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Malaking tulong ba sa kilala nang member ng FBOIS ang pagkakaroon ng kaanak sa showbiz?

“Actually, nag-audition po ako sa Hashtags at hindi ko po sinasabing anak ako nina Joey at Alma Moreno,” sagot ni Vitto. “Nu’ng huli na lang po nila nalaman. Siguro po boost na lang sa akin showbiz royalty po ako, pero hindi ko po ginawang tool para makahakbang ng malaki.”

May gustong patunayan si Vitto kaya ayaw niyang nagagamit ang pamilya niya sa pinagdadaanan niya, at ito ay natutuhan niya sa ama.

Wala naman daw alam si Aga na pinasok ni Andrew ang showbiz.

“Hindi ko po ipinaalam, siguro po ngayon alam na kasi nakikita na niya ‘yung mga post ko. Ang talagang tumutulong po sa akin ang papa ko, si Cheng Muhlach po,” kuwento ni Andrew.

Aminado si Jack na malaking bagay na kapatid niya si James kaya siya napasok, pero ang kabilin-bilinan ng kuya niya ay pagbutihin niya ang trabaho, “I know, it’s hard to get in there, but I’m trying.”

Si Dan, kahit baguhan at pinakabata ay marami nang naibibigay sa grupo. Siya raw ‘yung pinakaseryoso at passionate sa trabaho lalo na kapag may mall shows sila.

Si Julian ang pinakasikat sa grupo kaya idolo siya ng apat. Sa mga show nila, siya ang huling nagpe-perform. Lumalabas ulit ng stage sina Andrew, Jack, Dan at Vitto para panoorin siya.

“No joke po, talagang bilib kami sa kanya mag-perform,” sabi ng apat.

Thankful si Julian sa sinabi ng apat lalo na sa suportang ibinibigay ng mga ito sa kanya at sa magandang friendship na nabuo nila.

Makaka-relate ang kabataan lalo na ang mga estudyante sa kuwento ng Squad Goals #FBOIS na tumatalakay sa mga pinagdadaananang problema sa buhay, magulang, pinansyal at ang mga kalokohan habang nag-aaral pa.

Siyempre kung may FBOIS, mayroon ding FGIRLS sa pelikula na binubuo naman nina Ella Cruz, Carlyn Ocampo, Aubrey Caraan, Sam Capulong at Victoria Pilapil mula sa direksiyon ni Mark Meily produced ng Viva Films.