Ni Tara Yap

Iloilo City - Hindi nakasalalay sa Boracay Island ang ekonomiya ng Western Visayas region.

Ito ang paglilinaw ni Department of Tourism - Region 6 (DoT-6) Director Helen Catalbas, kasabay ng pagsasabing hindi maitatanggi ang naging tulong ng Boracay sa ekonomiya ng lalawigan, ngunit hindi lalagpak ang gross regional domestic product (GRDP) nito dahil lamang sa pagsasara ng isla.

Ang isla ay isinasailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Paglilinaw naman ni National Economic and Development Authority (NEDA-6) Regional Director Ro-Ann Bacal, maaaring babagal ang ekonomiya ng Western Visayas dahil na rin sa Boracay closure.

“It is based on the wrong assumption that Boracay will (also) have 2 million plus tourist arrivals this year,” sabi pa ni Catalbas.