Ni Genalyn D. Kabiling

Gusto nang idolohin ni Pan­gulong Rodrigo Duterte si North Korean leader Kim Jong Un kasunod ng “master stroke” na pagpayag nito na magkaroon ng kapayapaan sa South Korea at burahin ang nuclear weapons sa peninsula.

Hitik sa papuri ang Pangulo para sa pagpupursige ng North Korean leader na mawakasan ang nuclear conflict. Balak niyang batiin si Kim at mag-alok ng pakikipagkaibigan dito sakaling sila ay magkita.

Nauna rito ay inilarawan ni Du­terte si Kim na isang mapanganib na tao na maaaring magpasimula ng nuclear war sa rehiyon sa mga naka­kaalarmang missile tests.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Alam mo si --- naging idol ko tuloy siya Kim Jong Un. For all of the time, he was pictured to be the bad boy of the community but with one master stroke, he is now the hero of every­body,” ani Duterte sa press conference sa Davao City kahapon ng umaga.

“He appears to be amiable, jolly good fellow, and very accommodat­ing. I hope he remains to be that way because nobody is really after him, just a matter of historical divide which was created there,” dagdag niya.

Matapos magbago ang kaniyang opinyon sa North Korean leader, umaasa si Duterte na makaharap si Kim. Idinagdag niya na humanga siya sa desisyon ni Kim na wakasan ang digmaan sa South Korea.

“I think that to me, the man of the hour would be King Jong Un. And someday, if I get to meet him, I’d like to congratulate him. Sabihin ko sa kanya, ‘Bilib ako sa’yo. Marunong ka mag-timing.’ Kaya heroism is sometimes left to chance, otherwise it’s purposely timed,” aniya.

“Ituring na lang niya akong isang kaibigan because this will promote -- the impact is really, there is less stress now in the Korean Peninsula. And maybe, just maybe, we can avoid a war which nobody can win anyway,” aniya.

Nitong Biyernes ay naganap ang makasaysayang pagpupulong nina Kim at South Korean President Moon Jae-in para sa pagsisikap na mawakasan ang ilang dekada nang digmaan. Nilagdaan ng dalawang lider ang kasunduan para pag-usapan ang complete denuclearization at nuclear-free Korean Peninsula.