HOUSTON (AP) — Maagang sumambulat ang lakas ng Houston Rockets para sirain ang kumpiyansa ng Utah jazz tungo sa 110-96 panalo nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Game 1 ng kanilang Western Conference semifinals.

Hataw si James Harden sa naiskor na 41 puntos para sandigan ang Houston na umarya sa 25 puntos na kalamangan sa halftime.

Tila mas handa ang Rockets na nakapagpahinga ng todo matapos idispatsa ang Timberwolves sa first round, 4-1, habang ang Jazz ay nakipagbuno ng todo labans a Oklahoma City Thunder na natapos lamang ang serye nitong Biyernes.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Houston na abante sila ng 10 o higit pang puntos at naitala nila ang ikalimang panalo laban sa Jazz na may average 16.8 puntos na bentahe.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanguna sa Jazz sina roookie Donovan Mitchell at Jae Crowder na may tig-21 puntos.

Tumipa ang Rockets ng 17 three-pointer, kabilang ang pito mula kay Harden.

Nalimitahan ng depensa ng Rockets si jazz center Rudy Gobert sa 11 puntos at siyam na rebounds.

CAVS 105, PACERS 101

Sa Cleveland, Hindi pa tapos ang season para kay LeBron James.

Tulad ng inaasahan, ratsada ang four-time MVP sa naiskor na 45 puntos para sandigan ang Cavaliers laban sa Indiana Pacers sa deciding Game Seven para makausad sa semifinal ng Eastern Conference.

Bunsod ng panalo, nanatiling matikas sa 13-0 ang career record ni James na matagumpay na makalagpas sa first round at binuhay ang tsansa ng Celeveland sa kampanya sa NBA title.

Haharapin ng Cavs ang matikas at top seeded Toronto Raptors na magsisimula sa Martes (Miyerkules sa Manila).

Nanguna si Victor Oladipo sa Indiana sa natipang 30 puntos.