Ni Orly L. Barcala

Umani ng batikos ang panukalang ordinansa na nagbabawal sa pag-angkas sa motorsiklo ang hindi kamag-anak ng nagmamaneho.

Sumugod ang mga riders group, sa ilalim ng Riders of the Philippines (ROTP) at Motorcycle Rights Organization (MRO), sa public hearing ng ordinansa na ipainanukala nina Konsehal Milagros Mercado, Maryloy Nubla at Christopher Malonzo, nitong Biyernes ng umaga.

Sa ilalim ng panukalang batas, ipagbabawal iangkas ang mga hindi kamag-anak ng nagmamaneho ng motorsiklo.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Kinakailangang palaging may dala ng “proof of residency” o katibayan na kamag-anak ng driver ang kanyang angkas.

Ang sinumang lalabag sa ordinansa ay magmumulta ng P500 at 10 araw na pagkakakulong hanggang multang P5,000 at 60 araw na pagkakakulong depende sa diskresyon ng korte.

Pinalalakas din ng ordinansa ang pagpapatupad ng Children Safety on Motorcycle Act o pagbabawal sa pag-angkas ng bata, at Motorcycle Helmet Act o pagsusuot ng helmet ng mga riders.

Napag-alaman na ginaya ng mga nasabing konsehal ang ordinansa sa Mandaluyong City.