Ni Ellalyn De Vera-Ruiz
Binigyang-diin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang agarang pangangailangan para amyendahan ang Republic Act (RA) 8972 o ang Solo Parents Welfare Act of 2000 upang mas matugunan ang mga umuusbong na pangangailangan ng mga solong magulang at kanilang mga anak.
Nagsagawa ang DSWD ng Information and Serbisyo caravans upang mas mailapit ang mga programa at serbisyo ng gobyerno sa mamamayan, partikular na sa mahihinang sektor. Bukas ang caravan sa publiko na nais malaman ang iba’t ibang programa at serbisyo ng Department, at makakuha ng mga libreng serbisyo.
“The government needs to help solo parents because they solely take care of their children,” diin ni DSWD OIC Secretay Emmanuel Leyco.