Ni Mary Ann Santiago

NAGING matagumpay ang katatapos na 9th MPDPC (Manila Police District Press Corps) Badminton Tournament na ginanap sa badminton court ng Manila Police District (MPD) headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Manila kamakalawa.

Kabuuang 16 na team mula sa iba’t-ibang media entity, kagawad ng PNP, estudyante at mga negosyante ang lumahok sa naturang tournament, na inorganisa ng mga mamamahayag na nagkukober sa Maynila, partikular na sa MPD.

Naging panauhing pandangal sa palaro sina MPD Director P/Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, 2nd District Congressman Carlo Lopez, National Press Club (NPC) Secretary Lydia Bueno, na siyang naging kinatawan ni DENR Undersecretary Benny Antiporda, at NPC President Paul Gutierrez.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Sila rin ang nanguna sa “ceremonial serve” sa palaro, kasama ang pangulo ng MPDPC na si Mer Layson.

Nasungkit naman ng grupo ni P/Senior Supt. Marcelino Pedrozo ang kampeonato sa tournament, kasama ang kanyang team mates na sina King Espiritu, Cris Sanchez, Beth Pulido, Lea Inlayo at Ann Marañon.

Ang Team Alpha naman na binubuo nina John Greg Paz, Joed Reyes, Arci Balaquit, Tin Papura, Pat Barredo, at Jek De Mateo ang pinalad na makapag-uwi ng 1st Runner Up trophy, habang 2nd Runner naman ang Adamson-Percy Team na sina Samuel Tangpus, Jerico Ocampo, Justin Ocampo, Patricia Macahilig, Ivy Plata at Gabrielle Ann Ainza.

Malugod naman na nagpasalamat ang MPDPC sa lahat ng naging sponsor ng palaro sa pangunguna ang Philippine Gaming Corporation (PAGCOR), Dir. Antonio Gotia ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC), Sec. Alan Peter Cayetano ng Department of Foreign Affairs (DFA), Postmaster Gen. Joel Otarra ng Philippine Postal Corporation (PHILPOST), Gen. Coronel ng MPD, P/Chief Supt. Guillermo Eleazar ng Region 4-A, P/Chief Supt. Reynaldo Biay ng Eastern Police District (EPD), Rep. Lopez, Usec. Antiporda, NPC President Gutierrez, at Tita Rosemarie Lara.