Ni Fer Taboy

Aabot sa P3.1 milyong halaga ng marijuana at iba pang droga ang nasamsam ng pulisya sa apat na suspek sa magkakahiwalay na anti-illegal-drugs operations sa Lapu-Lapu City at Balamban sa Cebu.

Ayon sa Cebu Provincial Police Office, kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Joel Gabutin Narvasa, Von Dominique Nombrado, Rey Balo Repuella, at Stanley Laput Campos na kapwa nasa hustong gulang.

Sa report, nasa 2,308 punla at 15,308 puno ng marijuana ang nabunot sa isang sakahan, hindi kalayuan sa bahay ni Narvasa, na nagkakahalaga ng P3.1 milyon.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nadakip naman si Nombrado matapos itong makuhanan ng 1.55 gramo ng pinaniniwalaang shabu, na nagkakahalaga ng P18,290.

Dinakma naman sina Repuella at Campos sa Tuyan at Inayagan, Naga City makaraang makuhanan ng 0.30 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P3,540.