Mula sa Variety

IPINAGKALOOB kay Tom Cruise ang pioneer of the year award mula sa Will Rogers Motion Picture Pioneers Foundation. Siya ang unang aktor na ginawaran ng naturang parangal.

Tom copy

Ayon sa ulat ng Variety, kinilala si Cruise nitong Miyerkules, sa ikatlong gabi ng Cinemacon, ang taunang convention ng National Association of sa Las Vegas. Ang pioneer of the year award ay iginagawad sa miyembro ng motion picture community upang bigyang-pugay ang professional leadership, service, at commitment sa philanthropy.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“I grew up going to the movies, and I wanted to make movies since I was 4,” pahayag ni Cruise nang tanggapin ang award. “I’m very proud to be part of this family. We take care of our own, that’s what families do. I love what I do, and I will cherish this beautiful award.”

Ginugol ni Cruise ang halos 15 minutong speech sa pagpapasalamat. Sa kanyang pagbabalik-tanaw sa isa sa mga naunang pangyayari nang pinawalak nina Stanley Jaffe at Harold Becker ang kanyang role sa 1981 drama na Taps.

“I thought, ‘If I can do this for the rest of my life, I will be so grateful,’” aniya.

Ang dinner event ay ginanap sa Caesars Palace sa Las Vegas, ilang oras makaraang ipapanood at talakayin ni Cruise at ng director na si Christopher McQuarrie ang footage at stunts sa upcoming Mission: Impossible — Fallout.

Ipinakita ni McQuarrie si Cruise na hawak ang award matapos pangunahan ni James Corden ang event, na nagtampok ng pagtatanghal ng Hamilton star na si Leslie Odom, Jr.

Ang event ay nakalikom ng CinemaCon record ng mahigit $1.5 million para sa benefit ng Pioneers Assistance Fund.

Ang mga nakaraang pioneer of the year honorees ay sina Dick Cook, Cecil B. DeMille, Michael D. Eisner, Jim Gianopulos, Alan Horn, Jeffrey Katzenberg, Kathleen Kennedy, Donna Langley, Sherry Lansing, Frank G. Mancuso, Sumner Redstone, Terry Semel, Tom Sherak, Jack Valenti, Jack Warner, Darryl F. Zanuck, at noong nakaraang taon ay si Cheryl Boone Isaacs.