Ni Mary Ann Santiago

Ilang senior high school (SHS) student ang inaasahang gagamit na ng tablet computer bilang alternatibo sa textbook, sa darating na school year.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary for Administration Alain Del Pascua, naglaan ang kagawaran ng P550 milyon para sa pagbili ng 11,000 standalone computer para sa mga senior high school.

Sisimulan, aniya, ng DepEd ang pagbili ng mga nasabing tablet computer ngayong buwan.

Tsika at Intriga

Namash-up din? Ate Gay, sinabihang 'RIP'

Inaasahang aabot sa 171,300 tablet computers ang bibilhin ng DepEd para sa SHS sa Visayas at Mindanao, habang 66,700 naman ang bibilhin para sa SHS sa ilang piling rehiyon sa Luzon, o may kabuuang 248,000 tablet computers.