Ni Bert de Guzman
Papatawan ng bayad o spectrum user fees (SUF) ang mga mobile phone company sa inilaang radio frequency bands sa mga ito.
Lumikha ang House committee on information and communications technology ng Technical Working Group (TWG) na magsasagawa ng pag-aaral tungkol sa paniningil ng SUF.
Pag-aaralan ng TWG ang dalawang panukala, ang House Bill 6736 ni Rep. Dakila Cua, at ang House Resolution 1338 ni Tarlac Rep. Victor Yap.
Layunin ng HB 6736 na siyasatin ang pangangasiwa ng National Telecommunications Commission sa Philippine radio frequency spectrum, habang sistematikong SUF naman ang target ng resolusyon.