NI Bella Gamotea

Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang isinasagawa nitong imbestigasyon kaugnay ng pagkamatay ng isang Pinay household service worker (HSW) sa Madinah, Saudi Arabia.

Sa natanggap na ulat ng DFA mula sa Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah, isang Pilipinang HSW ang namatay sa Holy City of Madinah, dahil sa tinamong mga sugat matapos mahulog sa ikaanim na palapag na unit ng kanyang employer.

Sinabi ni Consul General Edgar Badajos na patuloy ang imbestigasyon ng Saudi authorities sa pagkamatay ng nasabing Pinay nitong Biyernes ng hapon.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ang Pinay, na pansamantalang hindi pinangalanan, ay dinala sa pagamutan dakong 3:30 ng hapon subalit binawian din ng buhay dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Kaagad namang nagpadala si Badajos ng grupo mula sa Konsulado na makikipag-ugnayan sa Saudi authorities na nag-iimbestiga sa pagkasawi ng Pinay.