Maaari na ngayong magpa-schedule online ng personal appointment ang mga nais mag-apply o mag-renew ng driver’s license, sa paglulunsad ng Land Transportation Office (LTO) ng Online Personal Appointment and Scheduling System (PASS) nito.

Sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante na ang nasabing proyekto ay “big step towards enhancing our services by utilizing online platform to bring more convenience to the public.”

Ang Online PASS ay magiging accessible na ngayong linggo sa www.LTO.net.ph.

Sa pamamagitan ng LTO Online PASS, makakakapili na ang mga kukuha ng lisensiya ng pinakamalapit sa kanilang LTO site, gayundin ng petsa at oras para sa kanilang appointment sa aplikasyon at renewal ng lisensiya, gayundin sa motor vehicle renewal.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nagtalaga ang LTO ng apat na district office nito sa Marikina, Pasig, Novaliches, at Muntinlupa Extension Office bilang pilot sites na tatanggap ng online scheduling.

Ang mga wala namang online appointment o walk-in application ay maaari pa ring mag-apply at dadaan sa karaniwang proseso. (Alexandria Dennise San Juan)