Ni Mary Ann Santiago
Umaasa ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na patuloy na mananaig ang diplomasya at pag-uusap sa pagitan ng gobyerno ng Kuwait at ng Pilipinas.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, ito ang kanyang ipinapanalangin kaugnay ng pagpapa-deport ng Kuwait kay Ambassador Renato Villa, na idineklara pang persona non grata dahil sa pagtulong nito sa ilang distressed na Pinoy sa nasabing bansa.
“It is our hope and prayers that MOU (memorandum of agreement) will not be affected, that everything will be settled peacefully and amicably. Diplomacy and dialogues should continue and must prevail, not emotions and rush judgment,” sinabi ni Santos sa panayam ng Radyo Veritas, tinukoy ang kasunduang magbibigay ng proteksiyon sa lahat ng manggagawang Pilipino sa Kuwait.