Ni Argyll Cyrus B.Geducos

SINGAPORE - Kabilang ang Maynila, Cebu City at Davao City sa 26 na lungsod na magsisilbing pilot cities sa Timog-Silangang Asya para sa ASEAN Smart Cities Network (ASCN).

Sa Concept Note ng ASEAN Smart Cities Network, kabilang ang tinukoy na tatlong lungsod sa mga unang siyudad sa rehiyon na magtutulungan tungo sa iisang layuning matamo ang “smart and sustainable development”.

Sa inilabas na dokumento, pinapahalagahan ng mga bansang ASEAN ang technological at digital solutions na gagamitin nito upang maresolba ang mga epekto sa mabilis na pagdami ng populasyon sa mga lungsod, katulad ng pagsisiksikan, kalidad ng tubig at hangin, kahirapan, hindi pagkapantay-pantay, pagkahati-hati ng kanayunan, at seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“The ASCN is envisioned as a collaborative platform where up to three cities from each ASEAN member state, including its capital, work towards the common goal of smart and sustainable urban development. It will include National Representatives to synergize development efforts across all levels. Its primary goal will be to improve the lives of ASEAN citizens, using technology as an enabler,” saad pa sa dokumento.

Gumagawa na rin ng paraan ang ASCN upang gumamit ng inclusive approach tungo sa “smart city development” na gumagalang sa karapatang-pantao at kalayaan nito, alinsunod na rin sa ASEAN Charter.

Kaugnay nito, nakatakda ring talakayin ng mga miyembrong lungsod at mga national representatives ang revised draft framework sa susunod na buwan.

Ang mapapagkasunduan sa nasabing pagpupulong ay ihaharap sa unang ASCN meeting na gaganapin sa Hulyo at i-adopt ng mga ASEAN leader sa 33rd ASEAN Summit sa Nobyembre, 2018.