Mula sa AFP, Reuters

Matapos ang mahigit 65 taong digmaan sa pagitan ng North at South Korea, nagkasundo kahapon sina North Korean Leader Kim Jong Un at South Korean President Moon Jae-in na isulong ang pagwawakas ng Korean war.

Itinuring na makasaysayan ang pagbisita ni Kim sa South Korea bilang unang pinuno ng North na nagtungo sa Demilitarized Zone.

Nagkasundo sina Kim at Moon na isulong ang kasunduan ng permanenteng kapayapaan at ng denuclearisation.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nagyakapan pa ang dalawa matapos lagdaan ang Panmunjom Declaration, na hudyat ng makasaysayang pagsisimula ng kapayapaan sa bahagi ng Korean peninsula.

Naglabas din ng pahayag ang dalawang pinuno, na nagkukumpirma ng “common goal of realising, through complete denuclearisation, a nuclear-free Korean peninsula”.

Kasabay ng pangakong pagbisita ni Moon sa Pyongyang sa “fall”, nangako rin ang dalawang pinuno na magkakaroon ng “regular meetings and direct telephone conversations.”