Ni Mary Ann Santiago

Dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD) ang isang konsehal ng Maynila sa Distrito 1, matapos makatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay nang patakbuhin ang kanyang kinakasama sa nalalapit na barangay elections sa Tondo, Maynila.

Nagtungo sa tanggapan ng MPD-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) si Martin V. Isidro, nasa hustong edad, konsehal ng Maynila at residente ng Velasquez Street sa Tondo, at inireklamo ang death threat na kanyang natanggap mula sa numerong 0921-882-0773, nitong Abril 23.

“Itinuloy mo laban, mag-iingat ka na,” saad sa text message.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naniniwala si Isidro na may kinalaman ang banta sa pagsuporta niya sa kandidatura ng kanyang kinakasama bilang kagawad.

Tiniyak ng pamunuan ng MPD-GAIS ang masusing imbestigasyon sa insidente.