SEOUL (AFP) – Nangako ang North Korea na isasara ang atomic test site nito sa susunod na buwan at inimbitahan ang US weapons experts sa bansa, sinabi ng Seoul kahapon, habang umaasa si US President Donald Trump na magkakaroon na ng nuclear deal sa malihim na rehimen.

Ito ang iniulat na pangako ni Kim Jong Un matapos magkasundo ang mga lider ng North at South Korea na isulong ang complete denuclearization ng Korean peninsula sa makasaysayang pagpupulong nina Kim at South Korean President Moon Jae-in nitong Biyernes.

‘’Kim said, during the summit with President Moon, that he would carry out the closing of the nuclear test site in May, and would soon invite experts of South Korea and the US as well as journalists to disclose the process to the international community with transparency,’’ sinabi ni Seoul presidential spokesman Yoon Young-chan.
Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM