Ni Fer Taboy

Patay ang isang incumbent barangay chairman at sugatan naman ang kanyang driver nang pagbabarilin sila ng riding-in-tandem sa Barangay Lawaan, Roxas City, Capiz, nitong Biyernes.

Kaagad na namatay si Elvis Asis, ng Bgy. Lawaan, Roxas City, dahil sa mga tama ng bala ng baril sa ulo, kanang braso at katawan.

Sugatan naman ang driver ni Asis na si Joselito Casilo, na nakaratay pa ngayon sa ospital, dahil sa tama ng bala sa katawan.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Pauwi na ang mga biktima sakay sa motorsiklo nang harangin ng dalawang armadong lalaki na magkaangkas din sa motorsiklo.

Sinisilip pa rin ng pulisya ang anggulong may kinalaman ang insidente sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14.