HINDI nag-buckle si Gil Cuerva sa sagot na “Harry Styles” nang tanungin sa presscon ng My Guitar Princess kung sino ang peg niya sa role niya bilang si Elton Smith sa musical rom-com series na magpa-pilot sa May 7, bago mag-Eat Bulaga.
Pop idol ang role ni Elton, kaya tinanong kung sino ang peg niya at ang former member nga (o member pa rin) ng One Direction ang binanggit. In fairness, walang kumontra kay Gil at sabi ng press, hihintayin ang eksenang kumkanta siya.
“Waterloo ko ang singing, I’m not a singer but I do sing once in a while. Kaya nga sobra akong na-challenge sa role at karakter ko rito, Imagine, kakanta ako at si Julie Anne San Jose pa ang makakasama ko na alam nating a very good singer. I did not ask the production why they choose me for Elton’s role, tinanggap ko and I promise to do my best to portray the role,” pangako ni Gil.
Bilang paghahanda sa eksenang kakanta siya, kinuha ni Gil na voice coach si Thor at siguradong in his free time, kapag wala sa taping, kumakanta-kanta si Gil. Ang hindi namin naitanong ay kung manonood siya sa concert ni Harry Styles sa bansa to see the singer performing live.
Sabi pa ni Gil, he’s more prepared now sa My Guitar Princess kaysa noong gawin niya ang My Love From The Star. Nag-workshop siya sa iba’t ibang acting coach kabilang si Ana Feleo at ang New York based acting coach na si Anthony Michal Bova.
Nag-agree siya sa obserbasyon namin na pati pagsagot sa mga tanong ng press, mas handa na siya at mas komportable.
“Yes, totoo ‘yan, I’m more comfortable now sa pagharap sa press at pati sa trabaho ko. It helps na mababait ang mga kasama ko sa My Guitar Princess from the production staff, Direk Nick Olanka and my co-stars. Mabait at magaang katrabaho sina Julie Anne, Kiko (Estrada), Ms. Sheryl (Cruz) and the rest of the cast. Masaya kami sa taping. Ang nagpapanerbiyos sa akin at excitement na rin ay ang pilot airing namin sa May 7,” pagtatapos ni Gil. (Nitz Miralles)