Ni Mary Ann Santiago

Hinikayat ng environmental group na EcoWaste Coalition ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na mag-ingat sa gagamiting campaign materials dahil may posibilidad na nakakalason ang mga ito.

Paliwanag ng EcoWaste Coalition, karaniwang ginagamit sa pag-iimprenta ng tarpaulin ang cadmium, isang cancer-causing element.

“Tarpaulins such as those made of polyvinyl chloride (PVC) plastic often contain cadmium, a chemical that is deemed extremely harmful to human health and the environment,” ani Thony Dizon, chemical safety campaigner ng grupo.

Anne Curtis, pinag-birthday concert sa 'Showtime' nang hindi handa

Nabatid na ang cadmium ay tinukoy ng Department of Environment and Natural Resources- Environmental Management Bureau na posibleng sanhi ng “unreasonable risk” sa kalusugan at maging sa kalikasan.