(AFP) - Pumabor ang mga bansang kasapi ng European Union sa total ban sa mga neonicotinoid insecticides, na sinasabing dahilan ng nakaaalarmang pagbaba ng populasyon ng mga bubuyog.

Isinagawa ang hakbang matapos ianunsiyo ng European food safety agency noong Pebrero na karamihan sa mga kemikal ay maaaring makasama at ikamatay ng mga bubuyog.

Suot ang itim at dilaw na damit, nagprotesta ang mga sumusuporta sa panukala sa harap ng European Commission sa Brussels, upang ibagbawal ang tatlong pesticide na clothianidin, imidacloprid, at thiamethoxam.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'