STOCKHOLM (Reuters) – Magre-release ang Swedish pop icons na ABBA ng kanilang mga bagong awitin pagkaraan ng 35 taon, at ito ay nakatakdang umere sa Disyembre, pahayag ng quartet nitong Biyernes.

abba

Ang ABBA ang isa sa pinakamatagumpay na music group sa kasaysayan, nakapagbenta sila ng mahigit 375 milyong albums at singles. Naglabas sila ng siyam na studio albums simula noong 1973 hanggang sa nagkawatak-watak sila noong 1982.

“We all four felt that, after some 35 years, it could be fun to join forces again and go into the recording studio,” lahad ng banda sa isang press release. “And it was like time had stood still and that we only had been away on a short holiday. An extremely joyful experience!”

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Nakapag-record na ang ABBA ng dalawang bagong kanta at isa rito ang “I still have faith in you” na ipapalabas ng digital avatars sa TV special na nakatakdang i-broadcast sa Disyembre.

Naging tanyag ang apat na miyembro ng banda nang magwagi sa 1974 Eurovision song contest, sa pamamagitan ng kanilang awiting Waterloo at mula noon ay naging tanyag na sa buong mundo ang mga awiting Dancing Queen, Mamma Mia, Thank You for the Music at Money, Money, Money.

Edad 60 at 70 na ngayon ang mga miyembro ng grupo. Hindi nila pinaunlakan ang mga paanyayang magtanghal muli nitong mga nakaraang dekada at minsan lamang lumabas sa publiko na magkakasama.

Dahil sa tagumpay ay nagkalamat ang samahan ng bawat miyembro kaya ang magkakarelasyon na nagbuo ng banda, sina Bjorn Ulvaeus at Agnetha Faltskog at Benny Andersson at Anni-Frid Lyngstad ay naghiwalay din kalaunan.