DUBAI, United Arab Emirates (AP) — Isang Saudi-led airstrike, na target ang high-level meeting ng mga Shiite sa kabisera ng Yemen, ang pumatay sa dalawang pinuno ng Houthi rebels at iba pang militiamen.
Sa isang ulat ng Saudi state-run television, tinatayang mahigit 50 militiamen, kabilang na ang dalawang pinuno, ang napatay sa operasyon.
Ayon naman sa Al-Arabiya, isang Dubai-based satellite news network, tinamaan sa pag-atake ang gusaling pagmamay-ari ng Yeme’s Interior Ministry sa Sanaa, na hawak ng mga rebelde.
Tinatayang umabot sa 10,000 katao ang namatay sa tatlong taon nang digmaan sa Yemen.