TAGBILARAN, Bohol – Tulad ng naging kampanya sa nakalipas na taon sa Zambales, tuluyang nanalasa ang Central Visayas at Western Visayas para mapanatili ang overall champions sa kani-kanilang division kahapon sa 2018 National PRISAA Games sa Carlos P. Garcia Sports Complex.

Humakot ang Cebuano ng kabuuang 121-63-44 medalya para muling makamit ang division title sa pang anim na sunod at ang mga Ilongo speaking WV athletes komolekta 116-59-37 at sinungkit sa pangatlong sunod na taon ang youth division.

Gaya sa inaasahan maraming natuklasan mga superstars sa weeklong tournament na sinuportahan ng Philippine Sports Commission sa pamumuno ni Chairman William Ramirez at pangalawang beses ginawa sa Bohol tampok ang mahigit 4,000 athletes galling sa mahigit 600 private colleges and universities sa 16 regions pinangsasiwaan ni Executive Director Prof. Elbert “Bong” Atilano Sr.

Kasama sa mga bagong tuklas ay sina Stefany Louise Sa-Ac, Julie Marie Occeno, Romeo Renzo Teodoro, Melody Perez, Denmark Taro, Kristel Macrohon, Carlo Soriano, Mary Flor Diaz, Dessa de los Santos, Rocky Ramos Laila Manganoon, Sharlemaine Harris, Gio de Vera, Allan Passion, Starjean Candia, Jasper Jay Erum Checy Aliena Telesforo, Marco Pomar, Seth Gentallan, Reymark Jan Ibones at ang magkapatid na Suganob sina Regie at Rodel.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Pumangalawa ang Western Visayas sa senior division 51-51-55, kasunod ang Davao 23-32-49, Western Mindanao 23-5-5, Bicol Region 18-16-41, at Region 12 17-38-36.

Pumangalawa ang CV sa WV sa youth division 51-27-7, kasunod Davao 36-38-40, Cagayan Valley 15-32-24, Central Luzon 14-42-32, CAR 14-1-1, at Region I 10-9-6.