Ni Marivic Awitan

MATAPOS ang anim na taon, muling nakabalik ng Finals ang University of Santo Tomas pagkaraang talunin ang Ateneo de Manila University, 1-0, nitong Huwebes sa UAAP Season 80 men’s football tournament sa Rizal Memorial Football Stadium.

Isang header mula kay Conrado Dimacali sa 105th minuto ang nagbigay ng panalo sa Growling Tigers.

Sinikap na tumabla ng Blue Eagles ngunit tumama sa cross bar ang free kick ni Koko Gaudiel.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Kasalukuyang most winningest team sa liga sa hawak nilang 36 na titulo, makakasagupa ng UST ang University of the Philippines na namayani naman kontra De La Salle University, 1-0 sa isa pang semifinal pairings.

“For the players, deserving sila na maglalaro sila sa Finals kasi ginawa nila lahat ng makakaya. We didn’t give up. We didn’t give in sa game since first half,” pahayag ni UST coach Marjo Allado.

“Masaya kami.Motivation namin doble kumpara sa nakalipas na taon,” aniya.

Huling nagkampeon ang UST noong 2006-07 season nang talunin nila ang Far Eastern University sa championship round, assistant coach pa lamang noon si Allado sa dating coach na si Nonoy Carpio.

Samantala, inihatid naman ni Kyle Magdato sa pamamagitan ng kanyang goal sa 47th minute ang Fighting Maroons sa Finals makaraan ang kabiguang umabot ng kampeonato noong isang taon.