PNA

ANG pagpapatupad ng probisyon ng Magna Carta for Public School Teachers ang nakikitang pag-asa ng isang samahan ng mga guro upang “makalaya” ang lahat ng guro sa buong bansa mula sa pagkabaon sa utang.

Sa isang panayam nitong Huwebes, ipinaliwanag ni Teacher’s Dignity Coalition (TDC) national chairperson Benjo Basas na kabilang sa memorandum of agreement na nilagdaan ng Department of Education (DepEd) at ng Government Service Insurance System (GSIS) ay ang kasunduan na “could help the teachers ease the burden of paying their loans in a better term but it could not free them from debt.”

Noong Abril 16, 2016 nilagdaan ng DepEd at ng GSIS ang isang MOA na nagbibigay ng oportunidad sa mga guro at kawani ng DepEd na makapag-apply ng loan sa ilalim ng GFAL, upang mapadali ang pagbabayad ng mga utang sa mga pribadong lending institutions (PLIs). Layunin nito na maiwasan ng mga “DepEd employees from sinking deep into debt and have a better way for them to manage their finances.”

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“Ang GSIS Financial Assistance Loan to DepEd personnel (GFAL) makakatulong ‘yan dahil kapag binili ng GSIS ang utang ng mga guro sa private lending institutions (PLIs) wala na silang magiging utang sa iba, pero may utang pa rin siya sa GSIS (The GFAL would also be helpful when GSIS buys out the debts from PLIs, they won’t have debt to others, but they still have debt to GSIS),” ani Basas.

Aniya, bagamat isinaayos na ng GSIS ang mga tuntunin at kondisyon ng pagkuha ng loan, na dating may 12 porsiyentong nominal interest rate kada taon ay ibinaba na ito sa 6%, “there are still some PLIs which offer lower than that, according to reports which the group is yet to confirm.”

Dagdag pa ni Basas, ang implementasyon ng Magna Carta ang magbibigay-solusyon sa mga utang dahil sa mga tuntunin nito na talagang mag-aangat sa mga guro.

“Even the issue of salary, the criteria for salary of teachers are provided in Magna Carta, eh kung sinusunod na lang ‘yan ng gobyerno eh ‘di wala tayong issues na gaya nito,” giit niya.

“With magna. carta, these problems would have been resolved since 1966 pa...pero hindi ito naaksyunan ng government...and we challenge the government to act immediately on this,” sabi pa ni Basas.

“Basically socio-economic issue yan, how the society perceive the teachers, kung nakikita nila na walang sariling bahay o informal settlers, hindi man makapag-paaral ng sariling anak nang mabuti, kapos sa pera at nangungutang lahat ‘yan may effect sa image ng teachers,” paliwanag pa niya.

Bahagi ni Basas, patuloy ang pagkikipag-ugnayan ng grupo sa DepEd at nagmungkahi rin ng salary rate na makatutulong sa mga guro upang mas maayos na maitayugod ang kanilang pamilya.

“At least 30,000 pesos sana pero debatable ang pagiging enough nyan sa totoong buhay...sana matutukan ng gobyerno para rin naman ma-entice ang young people and cream of the crop na pumasok sa teaching profession,” aniya.