Ni BETHEENA KAE UNITE

Kargamento ng ilegal na droga gaya ng Kush weeds at shabu, na nagkakahalaga ng P10 milyon, mula sa California, USA ang nasamsam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan, ayon sa Bureau of Customs.

 DROGA MULA SA CALIFORNIA Ipinakikita ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang P10 milyong halaga ng shabu at marijuana, na isinilid sa kahon ng manyika at laruan, na nasamsam sa warehouse ng Ninoy Aquino International Airport. Ang mga ilegal na kargamento ay ipinadala mula sa California, USA. (ALI VICOY)

Tinatayang nasa 2 . 0 6 kilo ng methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu at 127.60 grams ng Kush weeds ang nasamsam, ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Agad itinurn over ang mga ilegal na droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Napag-alaman na ang mga nakumpiskang kontrabando ay magkahiwalay na ipinadala sa Pilipinas at kalaunan ay nadiskubre sa FEDEX Warehouse sa NAIA.

Ayon kay Lapeña, ang dalawang shipment ay ipinadala ng magkaibang sender at magkaibang araw ngunit parehong galing sa California, USA.

Ito ay ipinadala sa isang Savannah Valdez ng General Trias, Cavite at sa isang Emmer Soncruz Medina ng Quezon City, na dumating bansa noong Marso 23, 2018 at April 18, 2018, ayon sa pagkakasunod.

Sumailalim ang mga padala, ayon sa Customs Chief, sa matinding pagsusuri at nakitaan ng kahina-hinalang imahe sa x-ray examination.

Nadiskubre ng Customs Anti- Illegal Drugs Task Force ang unbranded at colorless crystalline substance na positibo sa shabu.