GOYANG, South Korea (AFP, REUTERS) – Nagdaos sina North Korean leader Kim Jong Un at South President Moon Jae-in ng makasaysayang pagpupulong nitong Biyernes matapos magkamayan sa Military Demarcation Line o demilitarized zone (DMZ) na naghahati sa kanilang mga bansa, sa isang tagpo na hitik sa simbolismo.

 UNITED KOREA Naglalakad sina North Korean leader Kim Jong Un (kaliwa) at South Korean President Moon Jae-in sa Military Demarcation Line sa Panmunjom, nitong Abril 27, 2018. (AFP)


UNITED KOREA Naglalakad sina North Korean leader Kim Jong Un (kaliwa) at South Korean President Moon Jae-in sa Military Demarcation Line sa Panmunjom, nitong Abril 27, 2018. (AFP)

Sinabi ni Kim na siya ay ‘’filled with emotion’’ nang tumapak sa concrete blocks, at naging unang North Korean leader na tumuntong sa South simula noong magtapos sa armistice ang Korean War .

Sa impromptu invitation ni Kim, magkahawak-kamay na tumawid ang dalawang lider sa North bago naglakad patungo sa gusali ng Peace House sa katimugang bahagi ng truce village ng Panmunjom para sa summit -- ang pangatlong pagkakataon simula nang matigil ang digmaan noong 1953.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

‘’I came here determined to send a starting signal at the threshold of a new history,’’ sinabi ni Kim.

‘’I am happy to meet you,’’ sinabi ni Moon kay Kim bago sila tumawid sa linya.

Sinabi ni Kim na napakadali lang maglakad sa cement blocks na nagmamarka sa border, at nagtaka ‘’why it took so long to do so after 11 years,’’ na ang tinutukoy ay ang summit sa Pyongyang noong 2007.

‘’I walked about 200 metres, flooded with emotion,’’ aniya.

Humanga si Moon sa ‘’bold decision’’ ni Kim na maglakad sa bahagi ng South, at umaasang magkaroon sila ng ‘’bold agreement so that we may give a big gift to the whole Korean people and the people who want peace’’.

‘’When you crossed the military border for the first time, Panmunjom became a symbol of peace, not a symbol of division,’’ ani Moon.

“A new history starts now. An age of peace, from the starting point of history,” isinulat ni Kim sa Korean sa guest book sa Peace House bago magsimula ang mga pag-uusap.

Kabilang sa mga tinalakay ng dalawang lider ang denuclearization at permanent peace sa Korean peninsula at pagsusulong sa inter- Korea ties.

Kasama ni Kim ang kanyang kapatid na babae at close adviser na si Kim Yo Jong at head of inter-Korean relations ng North. Sinamahan naman si Moon ng kanyang spy chief at chief of staff.

Ito ang highest-level encounter sa nuclear diplomacy, at naglalayong maging daan para sa inaabangang paghaharap nina Kim at US President Donald Trump.

Sinabi ng White House sa isang pahayag na umaasa ito na matatamo ng summit ang ‘’progress toward a future of peace and prosperity for the entire Korean Peninsula’’.

Sa kanilang private meeting, sinabi Kim kay Moon na pumunta siya sa summit para wakasan ang history of conflict at nagbiro na “sorry” siya sa pagpupuyat kay Moon dahil sa missile tests, ayon sa isang opisyal ng South Korean.

Sinabi ni Moon na umaasa siya na magkakaroon ng mas maraming pagpupulong pa sa magkabilang panig, at nag-alok naman si Kim na bumisita sa Seoul ‘’any time’’ kapag siya ay inimbitahan.

‘’I could show you scenes far better than this if you come to the Blue House’’, ani Moon. At sumagot si Kim na: ‘’Really? I will go to the Blue House any time if you invite me.’’

Bago ang afternoon session, nagdaos sina Moon at Kim ng symbolic tree planting ceremony sa DMZ. Nagmumula ang lupa sa Mount Paektu, sa hangganan ng North sa China, at Mount Halla, sa katimugang isla ng Jeju sa South.

Matapos lumagda sa kasunduan, maglalabas ng joint statement, na susundan ng banquet kasama sina first ladies Ri Sol Ju at Kim Jung-sook, at farewell ceremony sa gabi bago magbalik si Kim sa North. Tampok sa dinner menu ang signature dish ng North.

Nagdala ang Pyongyang ng top chef sa Panmunjom para magluto ng cold noodles, at sinabi ni Kim na umaasa siya na magugustuhan ni Moon ang kanilang ‘’Pyongyang naengmyeon brought from afar.’’

‘’Oh, I shouldn’t say ‘afar’,’’ pahabol niya, na ikinatawa ng mga opisyal at ni Moon.