Ni Nitz Miralles

DUMARAMI ang mga director na nagrereklamo sa attitude ng mga artistang nakakatrabaho nila.

DIREK JUN LANA copy

Ang latest ay si Direk Jun Lana na naglabas ng saloobin sa Instagram (IG). This time, pati manager at management ng artista ay tinumbok ni Direk Jun.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

“Eto ang kalakaran sa showbiz: pumayag ka na sa cut-off at working hours limit, hihiritan ka pa kung puwedeng i-release agad ang alaga nila sa shoot dahil may ibang raket pa sila. Kung may katiting tayong professionalism sa mga katawan natin, mahihiya tayong sabihing raket lang ang paggawa ng pelikula. Kaso ganito kagarapal ang showbiz. Tapos nagtataka tayo kung bakit hindi kumikita ang mga pelikula natin ngayon? Mga pelikulang hindi naman talaga pinagbuhusan ng panahon at niraket lang? Ang kakapal naman nating mag-demand sa audience na maglabas ng pera para sa mga pelikulang raket lang para sa atin.”

Walang binanggit na pangalan si Direk Jun, batu-bato sa langit ang tamaan masaktan.

Pero totoo ang sinasabi niyang ito tungkol sa showbiz at ilang beses nang naranasan ng mga reporter na nagmamadali ang isang artista sa interview dahil may ibang raket. Hindi nila kayang ayusin ang schedule at puwede namang hindi pagsabayin ang commitments nila.