Laro sa Martes

(Smart Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Foton vs Cocolife

7:00 n.g. -- F2 Logistics vs Petron

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

NAISAAYOS ng F2 Logistics at Petron ang inaasama na championship match matapos gapiin ang kani-kanilang karibal sa sa Game 2 ng Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) best-of-three semifinal series nitong Huwebes sa Filoil Flying V Centre.

 NABALEWALA ang mga iskor sa spikes ni Jaja Santiago ng Foton nang pabagsakin ng F2 Logistics sa semifinals ng PSL volleyball championship sa Fil-Oil Center sa San Juan City. (RIO DELUVIO)

NABALEWALA ang mga iskor sa spikes ni Jaja Santiago ng Foton nang pabagsakin ng F2 Logistics sa semifinals ng PSL volleyball championship sa Fil-Oil Center sa San Juan City. (RIO DELUVIO)

Pinangunahan ni Venezuelan import Maria Jose Perez ang ratasada ng Cargo Movers tungo sa 25-19, 25-18, 25-21 panalo laban sa Foton.

Ginapi naman ng Petron ang Cocolife, 25-15, 25-15, 25-16, sa hiwalay na semifinals.

Lalarga ang Game 1 ng best-of-three finals sa Martes sa Smart Araneta Coliseum.

Kumasa si Perez, reigning Most Valuable Player, sa naiskor na game-high 21 puntos, habang tumipa si American Kennedy Bryan ng 10 markers para sa F2 Logistics.

“The mindset of the players is to defend the title,” sambit ni F2 Logistics coach Arnold Laniog.

“Our chemistry is improving and our connection is getting better. We know that we have a shallow bench. So this kind of improvement can definitely help us where we want to be.”

Tinangka nina import Channon Thompson at Jaja Santiago na makahabol matapos maidikit ang iskor sa 20-23, ngunit kumana si Peres para selyuhan ang kapalaran ng Tornadoes.