Ni ELLSON A. QUISMORIO, ulat ni Lyka Manalo

Magpa-drug test kayo.

Ito ang panawagan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House committee on dangerous drugs, sa mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo 14.

Sinabi ni Barbers na liliham siya sa Commission on Elections (Comelec) upang magtakda ng panahon sa boluntaryong drug testing at pagsusumite ng resulta nito, na ayon sa kanya ay dapat na ilathala.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ayon pa sa kongresista, hiniling niya sa Department of Interior and Local Government (DILG) na obligahin ang mga kandidato na lumagda sa peace covenant na nagsasaad na kinokondena ng mga ito ang ilegal na droga, at hindi rin suportado ng sinumang sangkot dito.

“The village poll aspirants may submit to a voluntary drug test at any Department of Health (DoH)-accredited drug testing facility and submit themselves to a certain timeline before the Comelec. The DILG, for its part, can ask all the aspirants to sign covenants to be displayed in their respective barangay offices indicating they condemn illegal drugs, and are not being supported by any drug personality,” sabi ni Barbers.

“And for those who will reject or refuse to undergo the voluntary drug testing, well, their problem is that they would all be subject to suspicions for alleged involvement in illegal drugs,” ani Barbers.

Ganito rin ang naging hamon ni Tanauan City, Batangas Mayor Antonio ‘Thony’ Halili sa mga kandidato, at hinimok ang mga botante ng siyudad na huwag iboto ang mga kandidatong magpopositibon sa droga.

“Ipakita ninyo na hindi kayo mga adik at hindi kayo nagbibigay ng proteksiyon sa operasyon ng ilegal na droga,” mensahe ni Halili sa mga kandidato.

Bagamat nakilala sa kanyang “Walk of Shame” laban sa kriminalidad, at ginamit pa ang nasabing kampanya sa programa kontra droga, isa si Halili sa mga alkaldeng binawian ng National Police Commission (Napolcom) ng police supervisory at control powers dahil umano sa pagkakasangkot sa bentahan ng droga—na mariin nang itinanggi ng alkalde.