TAGBILARAN, Bohol -- Matapos dominahin ang karamihan na sports, ang boxing naman ang pinagbalingan ng powerhouse Central Visayas nang angkinin ang anim sa walong ginto para patatagin ang kampanya na maidepensa ang overall title sa 2018 National PRISSA Games.

Tinanghal namang ‘best swimmer’ si Iloilo bet Stefany Louise Sa-Ac tangan ang pitong ginto.

Hataw ang CV boxers galing sa Cebu laban sa mga karibal at muling pinanindigan ang bansag sa kanila na hari sa boxing na ginanap sa Bohol Island State University at pinangasiwaan nina AIBA boxing officials Jess San Esteban and Darcy Teodoro.

Pinangunahan ni Seth Gentallan ang medal assault ng CV nang talunin si Rommel Landang ng Davao Region sa pinweight (46 kgs) at tinanghal na best boxer.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ang iba pang gold medalist ay sina Suganob brothers, Regie at Rodel, Marco Pomar, Cherwellah Cantel, at Gilbert Arceo.

Pinayuko ni Regie si Franz Carl Muyso ng Region12 (Socsargen) sa light flyweight, pinadapa ni Pomar si Eleazar Ganton Davao Region sa flyweight (52kgs.), tinalo ni Rodel si John Paul Cristobal Region 12 bantamweight (56kgs.), pinauwi ni Ibones si Jomarie Rubin Davao lightweight (60 kgs), pinasuko ni Cantel si Romel Bale Region 12 light welterweight (64kgs), tinalo ni Napoles si Mark Anoy Austria Davao welterweight (69kgs), at winakasan ni Arceo ang ambition ni John Patrick Danolan Davao middleweight (75kgs.).

Nanalo si Sa-Ac ,13, Grade 8 sa Ateneo de Iloilo sa 200m freestyle, 400m freestyle, 100m backstroke, 400m backstroke, 200m individual medley, 4x50m freestyle relay at 4x100 freestyle relay.

Sa pitong ginto, nilampasan ni Sa-Ac ang tatlong gintong nakuha niya sa Tagum, Davao del Norte at Iloilo sa nakalipas na dalawang edisyon at hinigitan ang anim na ginto na kolekta nang kanyang teammate si Julie Marie Occeno,19 at apat nakuha ni Bicol pride Romeo Renzo Teodoro.

Humakot ang CV kabuuan 96-48-35 total medals at kailangan na lamang ang finishing touches bago kunin ang pang anim na sunod titulo sa senior division. Kahit matalo man sa mga nalalabing sports mahirap nang malampasan ng mahigpit na karibal na Western Visayasna malayong nasa second place 48-42-42 at pangatlo ang Western Mindanao 23-5-4.

Sa youth division, wala na ring kawala sa WV ang titulo sa nakopong 89-49-36 laban sa CV 49-27-7, kasunod ang Davao Region 23-21-30, at Region I (Ilocos Region) 10-9-1.

Winakasan WV ang kanilang kampanya sa athletics kinuha ang ginto sa 4x100m relay at 4x400m relay.

Natapos na ang athletics, swimming at ang ibang sports at ballgames na lang ang natitira bago ibaba ang telon sa weeklong competition tampok ang mahigit 4,000 athletes mula sa 16 rehiyon.

Gaganapin ang 2019 edisyon sa Davao City.