Ni Nitz Miralles

MASAYA si Direk Mark Reyes sa cast ng idinidirehe niyang The Cure na sina Jaclyn Jose, Tom Rodriguez, Irma Adlawan, Jay Manalo, LJ Reyes, Mark Herras, Ken Chan, Arra San Agustin, Jennylyn Mercado at iba pa. Magagaling na, perfect pa sa kanya-kanyang role ang cast.

ARRA copy

Kahit ang baguhang si Arra, hindi nagpahuli sa mga mas beterano sa kanya sa pag-arte. Gumaganap si Arra bilang si Anne, isa ring doctor at girlfriend ni Josh (Ken). Sabi ni Direk Mark, si Arra ang favorite niya sa batch ng Starstruck na sinalihan nito dahil maganda at marunong umarte.

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Alam niyang may ibubuga sa pag-arte si Arra lalo na nang maidirek niya sa Encantadia at ngayon, sa The Cure. Nagtataka siya Direk Mark kung bakit hindi pa ito inilu-launch ng GMA-7 dahil may potential sumikat.

Nag-agree si Direk Mark sa pinansin ng press people na malakas na chemistry nina Ken at Arra sa trailer ng The Cure. Sana raw, pagtambalin pa ang dalawa sa iba pang shows ng network. Mawawala kasi ang karakter ni Ken sa epidemic drama dahil may gagawing ibang soap.

Naging controversial na rin si Arra nang pagselosan ng ilang fans nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. Naging close kasi sina Arra at Ruru nang magkasama sa Encantadia at nag-date pa minsan sa Tagaytay. Pero hanggang isang date lang ‘yun at hindi na nasundan.

Anywway, sa April 30, pagkatapos ng 24 Oras, mapanood ang premiere telecast ng The Cure. Siniguro ni Direk Mark na tatakutin at gugulatin ang viewers ng serye nilang ito.