Mula sa Reuters

GAGAWING feature film ang behind-the-scenes dramatization kung paano isiniwalat ng New York Times ang istorya ng kababaihang nag-akusa ng pangmomolestiya laban sa makapangyarihang Hollywood producer na si Harvey Weinstein, pahayag ng isa sa mga backer ng proyekto nitong Miyerkules.

Harvey copy

Nakuha ng Annapurna Pictures at ng Brad Pitt’s Plan B Entertainment ang karapatan sa pagsapelikula ng istoryang idinokumento ng journalists na sina Jodi Kantor at Megan Twohey, pahayag ni Ashley Momtaheni, tagapagsalita ni Annapurna.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang naturang istorya ang dahilan kaya mabuo ang #MeToo Movement, na nagsiwalat sa workplace harassment, at dahil dito ay pinagkalooban ito ng Pulitzer Prize nitong nakaraang linggo.

Ipapakita sa pelikula kung paano nagsama-sama ang mga mamamahayag at itutulad ang pelikula sa 2015 Oscar winner na Spotlight, na tumalakay naman sa pag-uulat naman ng Boston Globe tungkol sa seksuwal na pang-aabuso ng Catholic Church, saad ni Momtaheni.

Ang pelikula ay hindi lamang nakatuon kay Weinstein, sabi pa ni Momtaheni.

Inilathala ang orihinal na imbestigasyon ng Twohey and Kantor sa umano’y pang-aabuso ni Weinstein noong Oktubre noong nakaraang taon.

Ang dalawang mamamahayag ay pinarangalan nitong nakaraang linggo ng Pulitzer Prize, kaakibat ang highest honor sa American journalism, kasama si Ronan Farrow na nag-ulat naman ng tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Weinstein sa New Yorker magazine.

Mahigit 70 kababaihan ang nag-akusa ng sexual misconduct at rape kay Weinstein, na minsang naging isa sa pinakamakapangyarihang personalidad sa Hollywood. Buwelta ni Weinstein, hindi siya nagkaroon ng non-consensual sex sa kahit na sino.

Hindi pa nagbibigay ng komento ang kinatawan ni Weinstein tungkol sa deal. Dati nang nakipagtulungan ang Annapurna sa paggawa ng pelikula sa The Weinstein Company, dating production company ni Weinstein, na kasalukuyang nahaharap sa Chapter 11 bankruptcy.

Kilala naman ang Plan B sa pag-produce ng tatlong Oscar best picture winners, ang The Departed noong 2006, 12 Years a Slave noong 2003 at Moonlight noong 2016.