IBINUNYAG na ang sanhi ng pagkamatay ng Night Court star na si Harry Anderson.

Pumanaw si Anderson noong Abril 16 sa edad na 65, na natuklasang nagkaroon ng cardioembolic cerebrovascular accident — isang uri ng stroke — ayon sa kanyang death certificate na nakuha ng TMZ.

Binanggit din sa serpitiko ang influenza at heart disease sa mga sanhi ng kanyang pagkamatay.

Binawian ng buhay si Anderson sa kanyang tahanan sa Asheville, North Carolina, kinumpirma ng People.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“This morning at 6:41 a.m. the Asheville Police Department responded to the home of actor Harry Anderson where he was found deceased. No foul play is suspected,” saad sa pahayag ng Asheville Police Department.

Naging tanyag si Anderson sa kanyang pagganap bilang si Judge Harry T. Stone sa Night Court ng NBC, na umere ng siyam na season simula 1984 hanggang 1992. Nakatanggap ng pitong Emmy Awards at 31 nominasyon ang series. Nagwagi ng tatlong Emmys si Anderson at nagkaroon din ng cameo role sa Saturday Night Live, Cheers, Dave’s World at nagbida rin siya bilang si Richie Tozier sa 1990 miniseries adaptation ng It ni Stephen King.

Ang acktor, na isinilang sa Newport, Rhode Island, ay lumipat sa Los Angeles at pumasok sa Hollywood High School, bago muling lumipat sa San Francisco tsaka sa New Orleans. Matapos humagupit ni Hurricane Katrina, na-relocate ang sa Asheville, ayon sa local reports.

Naulila ni Anderson ang kanyang asawang Elizabeth Morgan at dalawang anak, sina Eva at Dashiell.