Ni Ador Saluta

MAY panibago na namang reklamo kaso ang Ombudsman laban kay Quezon City 2nd. District Councilor Roderick Paulate, ang graft and multiple counts of falsification charges na inihain nitong Abril 23 sa Sandiganbayan dahil sa umano’y 30 ghost employees na under sa payroll ng opisina ni Roderick noong 2010.

Bukod dito, nahaharap din ang aktor, kasama ang kanyang liaison officer na si Vicente Bajamunde, ng one count of violation of Section 3(e) of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Nahaharap din si Roderick sa one count of falsification by a public officer at eight counts of falsification of public document.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ayon kay Roderick, paulit-ulit na lamang ang reklamong inihahain laban sa kanya.

Inilabas ng actor-politician sa pamamagitan ng Instagram ang kanyang pahayag tungkol sa isyu na sinamahan niya ng isang talata mula sa Bibliya, ang Romans 8:31: “As long as you know God is for you, it doesn’t matter who is against you.”

Sa caption, ang sabi ni Roderick, “Pagkatapos ng Barangay Election sa May 14 susunod na naman ang filing ng mga kandidatong tatakbo sa Oct para sa local election sa May 2019 sa QC.

“Lord, ano naman po ang susunod nila? No one is more powerful than you Lord. No one is above your Name! #paulit ulit #samesame.”

Sa comments section, sinagot ni Roderick ang isang follower at sinabing hindi na basta-basta naloloko ang mga tao ngayon.