Ni NORA CALDERON

GAGANAP na prinsesa si Marian Rivera sa Daig Kayo ng Lola Ko sa Linggo, Abril 29. Nagsimulang mapanood ang fantasy-drama anthology last April 30, 2017, hosted by Ms. Gloria Romero na agad nagustuhan ng mga bata dahil nagtatampok ng magagandang istorya na nagtuturo ng magagandang aral.

MARIAN copy

Sa loob ng isang taon, nakatanggap na ito ng ilang awards mula sa iba’t ibang award giving-bodies.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Si Marian ang itinampok sa first episode nito, at sa pagtatapos ng month-long first year anniversary presentations nila, siya ang muling tampok na gaganap bilang prinsesa. Ang episode ay may titulong “Runaway Princess.”

Sa pictures pa lamang na natanggap namin, tiyak na magugustuhan ito ng mga bata at ng regular televiewers.

At siyempre pa, mas excited at honored ang gumaganap namang prinsipe ng prinsesa na si Jason Abalos.

“Hindi ko po in-expect na ako ang mapipiling katambal ni Ms. Marian,” sabi ni Jason. “Mabuti na lamang po madalas na kaming nagkikita at nagkakausap ni Ms. Marian tuwing naggi-guest ako sa Sunday Pinasaya kaya palagay na rin ang loob ko sa kanya. Marami pong salamat.”

Ang Runaway Princess ay mula sa direksiyon ni Rico Gutierrez na napupuri rin sa mga pinipili niyang magaganda at may moral values na stories.

Kasama naman ni Ms. Gloria Romero bilang mga apo na kinukuwentuhan sina Jillian Ward, David Remo, Chlau Malayao at Julius Erasga.

Napapanood ang Daig Kayo ng Lola Ko pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang Lip Sync Battle Philippines.