PNA

Nalaman sa bagong pananaliksik na ang pagkain ng dark chocolate na nagtataglay ng mataas na concentration ng cacao ay mayroong positibong epekto sa stress levels, inflammation, mood, memory at immunity ng isang tao.

Ibinunyag nitong Martes sa ongoing five-day Experimental Biology 2018 meeting sa San Diego, United States, ng dalawang pag-aaral, sa unang pagkakataon, ang epekto ng dami ng cacao na kasing laki ng regular chocolate bar sa tao, sa loob ng maikli at mahabang panahon.

“These studies show us that the higher the concentration of cacao, the more positive the impact on cognition, memory, mood, immunity and other beneficial effects,” lahad ni Lee S. Berk, isang mananaliksik sa psychoneuroimmunologyat food science mula sa Loma Linda University at principal investigator sa dalawang pag-aaral.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Pinagtuunan nila ang pag-aaral sa epekto ng pagkain ng 70 percent cacao chocolate sa human immune at dendritic cell gene expression, na nakatuon sa pro- and anti-inflammatory cytokines. Ang cacao ang pangunahing pinagkukunan ng flavonoids.

Napag-alaman sa pag-aaral na ang pagkainh ng cacao ay nakakapagpagana ng multiple intracellular signaling pathways na siyang gumaganap sa T-cell activation, cellular immune response at genes, na responsable sa neural signaling at sensory perception, at ang huli ay napatunayang may papel na ginagampanan sa phenomena ng brain hyperplasticity.

Gayunpaman, sinabi ni Berk na ang nabanggit na mga pag-aaral ay nangangailangan pa ng karagdagang imbestigasyon, partikular upang matukoy ang halaga nito sa epekto sa immune cells at sa utak.

Ayon kay Berk, kasalukuyang ipinagpapatuloy ang pag-aaral upang ilantad ang mga mekanismo, kung may kinalaman ang cacao sa cause-and-effect brain-behavior relationship, sa nasabing taas ng konsentrasyon.