PINANGUNAHAN nina Atty. Cliburn Anthony A. Orbe, Atty. Genoroso “Gene” Turqueza at Atty. Florand Garcia ang mga naunang nagpatala sa pagtulak ng Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Quezon City chess tournament sa Mayo 11, 2018 na gaganapin sa Function room ng Bacolod Chicken Inasal sa Quezon City Memorial Circle sa ganap na alas-dose ng tanghali.
Si Atty. Orbe ay sariwa pa sa 5th place finish sa Philippine Executive Chess Association (PECA) Alphland National Executive Chess Corcuit na ginanap kamakailan sa Vista Mall, Santa, Rosa, Laguna kung saan tinalo niya sa penultimate round si National Master Allan Sasot at dating University of Sto. Tomas (UST) standout at Pagcor engineer Ravel Canlas sa final round.
Habang si Atty. Turqueza na ipinagmamalaki ng V. Luna Chess Club ay ama ni International Master (IM) Mari Joseph Logizesthai Turqueza.
Sa panig naman ni Atty. Garcia ay ama din ni International Master Jan Emmanuel Garcia, ang head coach ng Ateneo de Manila University chess team.
“Open to all Judges, Prosecutors, RTC Clerks of Court, PAO Lawyers and other Lawyers,” sabi ni Tournament Director FIDE National Arbiter Alexander “Alex” Dinoy kung saan hinihikayat niya ang mga lalahok na magpatala na bago mag Mayo 7, 2018.
Ang mga iba pang abogado na lalahok ay sina Rolando Abo, Jerome Aragones, Rudy Artuz, Cresencio “Cris” Aspiras, Florendo Batasin, Philip King Cartagena, Jose Amado Genilo, Joselito Oliveros, Judylito Ulanday. Inaasahan din ang presensiya at paglahok ni Quezon City Judge Hilario L. Laqui.
Tumawag sa mga mobile numbers:0918-370-5750 at 0995-756-3177 at hanapin si Tournament Director FIDE National Arbiter Alexander “Alex” Dinoy o maaari ding magsadya sa Integrated Bar of the Philippines (IBC) Quezon City Office para sa karagdagang impormasyon.