Nina BELLA GAMOTEA, HANNAH L. TORREGOZA, GENALYN D. KABILING, ARIEL FERNANDEZ, at ROY C. MABASA

Nababagabag ang Malacañang sa desisyon ng gobyerno ng Kuwait na palayasin si Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa dahil sa isyu ng pagsagip sa isang inaabusong overseas Filipino worker, ngunit umaasa na maghihilom din ang mga sugat sa paglipas ng panahon, inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.

“We hope that this development will not lead to further worsening of bilateral ties between the two countries. We hope that this is Kuwaiti’s way of just expressing its anger for which SFA (Secretary of Foreign Affairs) Alan Cayetano had already apologized,” ani Roque sa press briefing sa Palasyo kahapon.

“We believe and hope that the passage of time will heal all wounds and lead to normalized ties,” dugtong niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Idineklara ng Kuwaiti Government na ‘unacceptable alien’ o katumbas ng persona non grata si Philippine Ambassador Renato Villa at binigyan siya ng isang linggo para lisanin ang Gulf nation. Pinawi naman ng Kuwait si Ambassador to the Philippines Musaed Saleh Ahmad Althwaikh.

Sinabi ni Roque na nagulat sila sa desisyon ng Kuwait dahil inakala nilang naayos na ang gusot sa pagpupulong nina Duterte at Saleh sa Davao City nitong Martes.

“We would like to reiterate the statement of the Secretary of Foreign Affairs, that the Palace is equally disturbed by recent developments involving the recall of our Ambassador to Kuwait Ambassador Villa,” ani Roque. “We genuinely though the issue was behind us.”

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na “inconsistent” at labis na nakakabahala ang aksiyon ng Kuwait dahil taliwas ito sa garantiyang binitiwan ni Saleh sa mga opisyal ng Pilipinas.

Pinagpapaliwanag ng DFA si Saleh, ngunit wala nang paliwanag na matatanggap ang opisina dahil lumipad na si Saleh pabalik sa Kuwait kinagabihan ng Miyerkules.

Dakong 8:30 ng gabi nang dumaan sa departure counter ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 si Saleh. Sumakay siya sa 10:10 p.m. flight ng Kuwait Airlines (KU418) patungo sa City of Kuwait.

Sinabi ni BI-Port Operation Division Red Marinas, na umalis Saleh sa bansa nang walang anumang protocol advisory.

Nalaman ng DFA ang pag-alis ni Saleh kahapon lamang ng umaga, kung kailan dapat sanang makipagpulong sa mga opisyal ni Saleh.

Kinondena ng mga senador ang hakbang ng Kuwait. Sinabi ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na ito ay “uncalled for and unwarranted.” Tinawag naman ito ni Sen. Joel Villanueva na “very unfortunate turn of event.”