Tag-init na, ang panahaon na mas mahaba ang oras na inilalaan ng ating mga anak sa pakikipaglaro sa labas ng bahay; panahon na mas laganap at mas mabilis mangitlog ang mga kuto na maaaring maging problema ng mga magulang sa kanilang anak.

Magmula pa sa ating mga lolo’t lola hanggang sa kasalukuyang henerasyon, samu’t saring paraan ang ginagawa na diumano’y epektibong pamatay ng kuto na bagamat matagal nang pinaniniwalaan ay walang sapat na basehan kung nakakapuksa nga ba ang ito. Ito ang ilan sa mga nasabing paniniwala:

Pagpahid ng mayonnaise

Isa sa mga paraan na pinaniniwalaang nakakatanggal ng kuto ay ang pagpahid ng mayonnaise sa anit. Nasu-suffocate umano ang mga kuto sa mayonnaise dahilan upang dumulas sa buhok at mamatay ang mga ito. Subalit ang mayonnaise ay walang sangkap na nakakapatay ng kuto at lalong hindi nito kayang i-suffocate ang mga kuto at itlog nito.

Eleksyon

Congressional bet sa Quezon, pinatawan ng disqualification case dahil sa vote buying

Pagbabad sa gaas

Isa na marahil sa pinakamatandang sabi-sabi ang pagbabad ng buhok sa gaas. Kung ito man ay nakakapatay ng kuto, pinapaalalahanan pa rin ng mga eksperto na delikado itong gamitin lalo na sa mga bata. Ang singaw ng gaas ay maaaring makaapekto sa kalusugan lalo na kung malalanghap o mapupunta sa mata. Ito ay posible ring magdulot ng sunog lalo na kung ma-expose ito sa apoy.

Paggamit ng suyod

Suyod ang pangkaraniwang ginagamit sa mga bahay tuwing nagkakaroon ng kuto ang ating mga anak. Bagamat mabisang panghuli ng mga kuto, hindi nito kayang suyurin ang mga lisa. Ang kuto ay kayang mangitlog ng hanggang 100 kaya ang pagsusuyod ay hindi mabisang paraan para maubos ang mga parasite na ito. Bukod pa rito, maaari ring masugatan ang anit ng inyong anak kapag madalas itong ginagamitan ng suyod.

Normal na sa ating mga Pilipino, lalo na sa kabataan, ang pagkakaroon ng kuto, ngunit may ibang paraan na mas mabuti at mas epektibo para maiwasan ito. Isang halimbawa ay ang pagkonsulta sa doktor kung malubha na ang kondisyon o kaya naman ay paggamit ng head lice treatment shampoo na gaya ng Licealiz.

Ang Licealiz Head Lice treatment Shampoo ay kayang pumatay ng kuto at lisa sa loob ng dalawang linggong paggamit. Nakatutulong din ito upang hindi na manumbalik pa ang kuto infestation. Ang natural na sangkap nitong pyrethin na mula sa chrysanthemum na bulaklak ay napatunayang ligtas at mabisang pamatay ng kuto. Mayroon ding itong conditioning formula para sa mas malambot at mabangong buhok ng iyong anak.