Ni Light A. Nolasco

Mistulang nabunutan ng tinik sa dibdib ang isang 23-anyos na ginang nang ibasura ng korte ang kasong carnapping laban sa kanya matapos ang masusing ebalwasyon at pag-aaral kasunod ng paghahain niya ng affidavit of desistance.

Pinawalang-sala ng korte sa carnapping si Jujenn Hennessy Matabia y Sta. Maria, 23, ng Barangay Poblacion South, Science City of Muñoz sa Nueva Ecija.

Iniatras ng complainant na si Dionisio Bocatot, 37, empleyado sa lungsod, ang kaso laban kay Matabia, at pirmado ni Judge Nelson Tribiana, ng Regional Trial Court (RTC)-Baloc sa Sto. Domingo ang isang-pahinang dismissal order na may petsang Disyembre 13, 2017.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nag-ugat umano ang kaso sa pagsasangla ni Billy Joe Tadeo, ng Bgy. Bacal III, Talavera, kay Matabia ng sidecar na walang motorsiklo sa halagang P13,050 para gamitin sa panganganak ng asawa ng una, at ibabalik sa loob ng isang buwan.

Gayunman, nabigo si Tadeo na tubusin ang sidecar na humantong sa alegasyon ng carnapping laban kay Matabia.