PNA

Opisyal nang inilunsad ng Department of Health (DoH), katuwang ang City Government of Parañaque, nitong Martes ang National Ligtas Tigdas Supplemental Immunization Activity (SIA) upang mapigilan ang patuloy na paghawa ng sakit, lalo na sa mga hindi nabakunahang bata at buntis na kababaihan.

Kasalukuyang tumataas ang bilang ng kaso ng tigdas sa Pilipinas, batay sa pinakabgong ulat mula sa DOH-Epidemiology Bureau.

Mula Enero 1 hanggang Abril 14, 5,450 kaso ng tigdas ang naitala sa buong bansa, na may 905 kumpirmadong kaso at 15 katao na ang namatay. Kabilang sa 15 naiulat na pagkamatay ay ang 13 katao na hindi nabakunahan, ang isa ay nabakunahan ng hindi alam na bilang ng dose doses at ang isa pang kaso ay hindi pa rin natutukoy kung naturukan ng bakuna o hindi.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nagsimula ang pagkalat ng tigdas noong huling quarter ng 2017.

Sa kabilang ng isinagawang outbreak response immunization activities sa mga apektadong lugar sa National Capital Region (NCR) at Mindanao, patuloy na dumami ang nahawaan ng tigdas.

Upang labanan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagka-tigdas, pinaigting ng DoH ang pagbabakuna nito sa pamamagitan ng SIA, na puntirya ang mga sanggol at mga batang edad anim hanggang 59 buwan, maging ito man angimmunization status.

“As we launch the ‘Ligtas Tigdas’ campaign here in the Metro Manila, we hope to reach all parents/caregivers and guardians emphasizing the life-saving benefits of measles vaccination. We call all parents/caregivers to allow their children ages 6-59 months to be vaccinated starting April 25 to May 24, 2018 for NCR and on May 9 to June 8, 2018 for Mindanao,” pahayag ni Health Secretary Francisco T. Duque III.

Nangako ang DoH na patatatagin ang immunization program nito at sisiguraduhing maaabot ang bawat bata sa bawat barangay. Gayundin, magbibigay ang DoH ng libreng bakuna kontra tigdas sa ilalim ng SIA.

“I would like to reiterate to the public, especially to the parents/guardians, that the measles vaccine is safe and we have been doing this since the 1970s. Measles vaccination has saved millions of lives. Let us all protect the health of all Filipino children through vaccination against measles,” sabi pa ni Duque.