Ni Mark Garcia

Mula sa pagiging nursing graduate, ngayon ay abugado na.

Ang kawalan ng oportunidad sa kursong natapos ang nagtulak kay Mark John Simondo na kumuha ng abugasya at manatili sa Pilipinas.

"I don’t want to go abroad to work, it should only be here in the Philippines. That is why I looked for a course that would let me give a job where I can stay here," pahayag Simondo.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Tanging hiling niya ay ang pumasa sa Bar exam, kaya hindi niya inakala na mangunguna siya sa 1,724 na pumasa sa isa sa pinakamahirap na pagsusulit sa Pilipinas.

"I cried when I saw the announcement. In four Sundays of November that I took the exams, I was not confident if I did well or even pass it," aniya.

Si Simondo, 31, ay nagtapos ng valedictorian sa abugasya noong nakaraang taon sa University of Saint La Salle, ang paaralan niya simula kindergarten.

Nagtapos naman siya bilang Magna cum Laude sa kursong Nursing noong 2009 at tatlong taon matapos niyang gamitin ang naunang kurso, kumuha naman siya ng abugasya noong 2012.

Limang taon niyang kinuha ang Law, upang maiwasan ang bigat ng pagkuha ng maraming subject, dagdag pa na aktibong miyembro siya ng moot court team kung saan kabilang siya sa mga naging kinatawan ng USLS sa Florida, USA, at Tokyo, Japan.

Bilang unang abugado sa pamilya, lubos ang pasasalamat ni Simondo sa mga senyales na ibinigay ng Diyos na naging daan sa kanyang tagumpay.

Hinikayat naman niya ang mga aspiring law student na laging magsikap at huwag mawalan ng pag-asa tulad ng kanyang ginawa sa kabila ng mga hesitasyon noong una.

"If you are in the law school, you do your best and always pursue," giit niya.

Samantala, tadhana namang itinuring ng mga naging propesor ni Simondo ang pagiging topnotcher nito sa Bar exam.

"My gut tells me that Mark will top the exam," ani USLS former college of Law dean Ralph Sarmiento, na isa sa mga unang bumati kay Simondo. "The photo was already ready to be posted at about 10 a.m., just waiting for the 'post' button in Facebook to be clicked."

Para naman sa Civil Law professor at coach ni Simondo na si College of Law Dean Rosanne Juliana Gonzaga, unang taon pa lamang ni Simondo ay nakita na niya ang potensiyal nito na mag-top sa Bar exam.

"There was one discussion in my constitutional class and Mark is the second one to answer a very complicated question to all the students I taught in that class," aniya, "From that time on, I monitored his progress in the law school."