Ni BEN R. ROSARIO

Mismong ang chairman ng House Committee on Housing and Urban Development at mga lokal na opisyal ng Zamboanga City ang dumanas ng peligrong araw-araw na kinahaharap ng mga residente sa isang housing project na gawa sa mababang klase ng materyales.

 KUMPIRMADONG PALPAK! Nag-iinspeksiyon sa umano’y palpak na housing project sa Sitio Hongkong, Bgy. Rio Hondo sa Zamboanga City ang grupo nina Negros Occidental Rep. Albee Benitez, Zamboanga Rep. Celso Lobregat, at Mayor Beng Climaco, nang biglang bumigay ang nilalakaran nilang tulay at nahulog sila sa sapa. (MEDIA ZAMBOANGA)


KUMPIRMADONG PALPAK! Nag-iinspeksiyon sa umano’y palpak na housing project sa Sitio Hongkong, Bgy. Rio Hondo sa Zamboanga City ang grupo nina Negros Occidental Rep. Albee Benitez, Zamboanga Rep. Celso Lobregat, at Mayor Beng Climaco, nang biglang bumigay ang nilalakaran nilang tulay at nahulog sila sa sapa. (MEDIA ZAMBOANGA)

Nahulog sina Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez, Zamboanga City Mayor Beng Climaco, at Rep. Celso Lobregat, kasama ang mga miyembro ng inspection team, sa maduming sapa sa Sitio Hongkong sa Barangay Rio Hondo sa siyudad makaraang bumigay ang kahoy na tulay na nilalakaran nila habang nag-iinspeksiyon sa hilera ng mga pabahay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nag-iinspeksiyon ang grupo sa pabahay para sa mga naapektuhan ng Zamboanga siege nang mangyari ang aksidente, at minor injuries lamang ang napaulat.

“Nothing more can convince us that people left homeless as a result of the 2013 Zamboanga siege have become victims twice. We became victims ourselves,” ani Benitez.

Bukod sa pagbigay ng kahoy na tulay, sinabi ni Benitez na nakatukoy sila ng mga ebidensiya na gawa sa substandard materials at pabara-barang engineering ang mga bahay at pasilidad sa lugar.

Isinusulong ni Benitez ang imbestigasyon sa mga proyektong pabahay para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa mga labanan at kalamidad.

Sa kaso ng Zamboanga, naglaan ang gobyerno ng P1.5 bilyon para sa pagpapagawa ng 6,343 housing unit alinsunod sa Zamboanga City Roadmap to Recovery and Rehabilitation (Z3R).

Una nang iniulat ng local media na isang bahay sa resettlement project sa Bgy. Tulungatung ang gumuho noong Pebrero.

“It is tragic that the house that was supposedly the symbol of new beginning for families affected by the Zamboanga siege has become a threat to their lives,” ani Benitez. “Hindi nga sila namatay sa bakbakan, baka dito na sila matuluyan sa ginawang pabahay para sa kanila.”

Nauna nang nangako si Benitez na personal niyang iinspeksiyunin ang mga pabahay sa Zamboanga City at sa Tacloban City, para naman sa mga sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’, bago simulan ang pagsisiyasat ng kanyang komite sa susunod na buwan.